Usapang Operating Room

“Hi…”

“Helloo…”
Napa-tingin ako sa paligid-ligid ng operating theater.
“Kamusta na kayo, sir?”
Nakahiga ako sa operating room table at napatingin ako sa taas ko. Yung operating room nurse pala. Naka-posisyon sya sa may ulunan ko, naka-surgery cap, surgical gloves at surgical mask.
“Nurse ka ba? Akala ko pari, may pa-hi-hello ka pang nalalaman.”
“Sorry po sir, nandito lang po ako para malibang kayo.”
Napangiti sya at nagpatuloy.
“Alalang-ala po yung asawa nyo sa inyo. Ayun, nasa labas ng operating room, nagloo-loom bands, hinihintay kayong lumabas.”
Wala akong maisagot.
“Actually hindi po ito parte ng trabaho ko at wala po sa protocol pero extreme circumstances po ito. Ngayon lang talaga kami nagkaroon ng pasyente na hindi talaga mapatulog.”
“Totoo?”
“Opo. Sobrang nahirapan nga po si Dr. Tamondong, yung anesthesiologist, kasi po lahat ng dala nya sa bag nya nasubok na nyang i-administer sa inyo pero hindi pa rin kayo ma-knock out.”
“Nasaan na sya ngayon?”
“Ayun, nag-give up na. Nasa doctors lounge na po siya, pina-pahinga na po ni Dr. Morales. Iyak nga po ng iyak, ayun, humahagulgol habang yakap-yakap ang tuhod. Hindi nga po namin makausap ng matino. Nagma-mumble na nga po sya sa sarili nya na babalik na lang daw siya sa pediatrics o administration. Sayang naman, ang galing pa namang doktor nya, isa sa top sa Metro Manila.”
“Sorry.”
“Okay lang po, sir. Hindi nyo kasalanan yun, sasabihin ko sana na nangyayari talaga yun pero hindi, exceptional/outlier case lang po yung sa inyo.”
“…”
“Wala naman kayong nararamdaman ba?”
“Wala naman, pero aware ako na may humihiwa sa may tiyan ko.”
“Ah, si Dr. Morales nga po yung gumagawa po nun. Okay lang po yun, sir, basta hindi po masakit.”
“Hindi naman, mataas talaga pain tolerance ko… Runs in the family…”
“Ah, kaya pala.”
Droning sound of OR machinery mixed in with clinky clanks of surgical instruments.
“Speaking of Dr. Morales, medyo nahirapan nga po pala sya din sa inyo. Malapad po kasi kayo, hirap halukayin sikmura nyo, nahirapan i-locate yung gall bladder nyo.”
“Feh! Ininsulto mo pa ako, hindi na nga ako makagalaw dito.”
“Sorry po sir, ahehehehe.”
Narinig ko ang low-volume piped-in music ni Doc.
“Ayos music ni doc, ha. Metallica. Master of Puppets yan, a.”
“Opo, cool po si Doc. Yung ibang surgeon classical, sya talaga metal, mas nakaka-concentrate daw sya pag ganun. Di nyo lang po makikita kasi naka-harang gown nyo sa face nyo pero naghe-headbang talaga yang si Doc.”
“Cool!”
“Nga pala, sir. Dahil sa inyo mababago po ang protocol sa hospital.”
“Bakit?”
“Yung biomedical instruments acquisition namin i-rereview po. Natatandaan nyo po yung naging problema nyo po sa ER at nung in-admit kayo? Nahirapan i-insert yung swero? Nangyari din po kay Doc Morales nung hinihiwa kayo. So papalitan na po yung surgical stainless steel instruments namin ng surgical sterile titanium alloy.”
“Sorry…”
“Okay lang po, sir. Charge to pagsulong naman po ng provision of medical services naman po yun.”
More silence and heart monitor beeps…
“Oo nga po pala, sir. Okay po yung pag-empty ng bowels nyo kanina, kaso… yung pag-shave…”
Natawa si nurse.
“Hindi naman po kailangan yun.”
“Hindi ba? Di ba dapat walang body hair dun dapat pag-sinurgery?”
“Sa mga nanganganak lang po yun, tsaka kami po gagawa nun. Hehehehe.”
“O_o…”
“May nagsabi ba sa inyo na dapat kayo mag-shave?”
“Oo, ilang co-faculty ko.”
“Na-goyo kayo, sir.”
“O_o”
“Ay, sir. Tanung ko lang po sa inyo.”
“Ano yun?”
“Kayo po yung dating editor ng Questor, ano?
“Yup.”
“Di po ba nag-letterer din kayo ng ilang manga sa US?”
“Oo, natatandaan mo pa yun? Past life ko na yun.”
“Natatandaan ko po yun, sir. Fan ako nung works nyo. Tsaka po yun…”
“Yung ano?”
“Yung P3. Miyembro po kayo nun, di ba?”
“A… E… Oo. Hindi ko naman made-deny yun.”
“Natatandaan ko pa noon, may posters pa ako ninyo. Kayo nina Bebert Lacuna (aka Dodong Diesel), Kenneth Fadri (aka Ryan Rev-X, formerly Vince Valvolene) at Roland Amago (aka Brad Barbula).”
Napangiwing-ngiti na lang ako.
“Wala pong panama sa inyo yung mga Chickser-chickser at Acceler8 ba yun? Boom, Panes! Kayo po ang ginamit nyo nun na name e Cody Havoline, di ba?”
“Yup. Ahehehe.”
“Pa-autograph po sir pag-okay na kayo, ha?”
“Sure. Basta malampasan ko lang ito.”

“Ako naman may tanong, nurse…”
“Ano yun, sir?”
“Nararamdaman ko ng onti pero hindi ko sure… Ini-rubber band no ba ang balls ko?”
“Ay, opo, sir. Medyo mataas po kasi testosterone levels nyo kaya sinubukan naming i-minimize para sa operation.”
“Aysus…”
“Oo nga po pala, sir. Alam namin medyo ano kayo sa protocol. Pero kasama po talaga yung naka-wheelchair pag-pasok sa inyo sa OR, kahit kaya nyong mag-lakad on your own power. Mamaya po pag-galing na kayo sa Recovery room kailangang i-gurney talaga kayo, kahit kaya nyo ng mag-lakad.”
“Okay…”
Awkward operating room ambience…
“Medyo inaantok na ako, nurse.”
“Okay lang po yan, sir. Go lang.”
“Okay.”
“Sleep well, sir. Pag-gising mo okay na po kayo… Kahit nabawasan kayo ng isang internal organ…”
“Salamat… Thank you…”
Zzzzzzz.

(Maraming salamat sa mga duktor at staff ng St. Anthony Medical Center Marikina, real man o hindi, para sa Cholecystectomy operation ko. Salamat kina Dr. Reyes, Dr. Dimatulac, Dr. Remigio, Dr. Dacudao at Dr. Guzman.)

Yo no hablo Singapura!

We went to Singapore on our first trip abroad together as a couple. We presented a paper in an international conference and saw the sights in our free time. I brought along my cheap holga DSLR lenses mounted on my beat-up Canon 400D and took shots during the IFLA, at the Gardens by the Bay, Supertree Grove Dining, Esplanade, National Library Board, One Fullerton, Chinatown, Marina Bay Sands, Merlion Park and Universal Studios.