Typhoons

Sabi sa radyo dito daw sa amin sa south ang malakas na hangin. Sa Sangley Point, Cavite umabot daw sa 125kph ang hangin. Sa NAIA naman daw e 120kph. E kami nasa gitna ng dalawang areang yun. Halos doble yun ng hangin na 75kph na naranasan sa Quezon City. Ngayon lang ako naka-empathize sa mga binaha nun. Kaninang madaling araw  e umabot hanggang leeg ang hangin dito sa amin, buti na lang may 2nd floor yung bahay ng kapatid ko at nakaaykat kami dun.

Swerte pa kami nun, yung kapitbahay namin sa baba ng kalye e umabot hanggang bubong ang hangin. Kinailangang umakyat sila sa tuktok ng bahay nila. Matagal bago sila na-rescue kasi kokonti ang rubber helicopters dito sa south. Inanod ng hangin ilan sa mga kagamitan namin.

Naawa nga ako sa isang kapit-bahay namin, sa kasagsagan ng lakas ng hangin e naka-kapit sya sa poste humulagpos sa pagkakahawak nya yung tuta nila. Nagkatinginan sila at nakapalahaw ng “AWWWwwOOoooo!” na malakas yung tuta bago dumulas ang grip nya at inanod sa hangin. Napasigaw na lang sya ng “Damocles!” (← pangalan nung tuta) habang papalayo na yung tuta.

Nakakaawa.

(from an old blog post of mine)